in ,

Sobrang dismaya ng bride matapos makatangap ng mumurahin regalo sa kanyang kasal, Nagulat na lang sa totoong halaga nito!

Isa talagang espesyal na okasyon ang pagpapakasal kaya’t marami satin ang naghahanda ng husto sa pag sapit nito.

Ginagawang engrande at magarbo ang kasal para maging memorable ito sa iba.

Isa na dito si Joanne na ikakasal sa kanyang nobyong si James, masaya si Joanne dahil naging okay ang takbo ng kanilang kasal at madaming handa para sa mga bisita.

Umaasa si Joaae na makakatangap sana ng mga regalong mamahalin at magarbo mula sa mga kaibigan kapmilya at mga bisita.

Subalit nagulat siya sa regalo ng kaniyang malapit na kaibigan na si Macy. Isang halaman na nakalagay sa paso. Nalungkot talaga si Joanne at hindi niya inexpect na ganun lang ang matatangap niyang regalo kaya nainis siya. Pero pinagsabihan siya ng partner niya na kunin na lang ang regalo dahil busy ang mga ito sa trabaho at nagawa pa din dumalo sa kasal nila.

Nawala sa isip ni Joanne pansamantala ang inis na nararamdaman sa kaibigan at inenjoy ang reception hanggang sa ito ay matapos. Ngunit nang buksan niya ang mga regalo ng ibang dumalo ay magagarbo ito, may alahas, pera o di kaya naman ay appliances na magagamit nila sa kanilang mag-asawa sa pagsisimula ng bagong tahanan.

Lalong nainis si Joanne sa ideya na halaman lamang ang regalo sakaniya ni Macy ngunit hindi naman niya maitapon ito sapagkat magagalit ang kaniyang asawa.

Dumaan pa ang ilang araw ay napagpasyahan ng mga kaibigan ni Joanne na sila ay magkita, ngunit nang hanapin niya si Macy ay sinabing nasa ibang bansa ito at nagbabakasyon kasama ng mister nito. Hindi napigilan ni Joanne ang sarili at naikwento ang kaniyang inis sa mga kaibigan dahil sa regalo ni Macy.

Pagkauwi ng bahay ay nadatnan niya ang kaniyang ina sa sala kaya’t tinanong niya ito tungkol sa halaman na binigay ni Macy, sapagkat mahilig rin sa halaman ang kaniyang ina. Doon niya nalaman na ang halaman na iyon ay sumisimbolo ng swerte at pagmamahalan sa mag-asawa at ito ay napakamahal.

Dahil sa narinig, tinawagan agad ni Joanne si Macy at humingi ng patawad. Doon niya napagtanto na ang kasal ay hindi lamang tungkol sa mga regalo, kundi sa mahalagang taong kasama mo sa pagharap ng bagong yugto ng iyong buhay.

Bibili lang daw nang payong ‘Magkapatid Hindi Na Binalikan ng Ina’

9 na Taong Gulang na Batang Babae, Nagbebenta ng Pritong Manok para makatulong sa Lola