in , ,

Isang Dalaga Labis na Nagulat Nang Makatanggap ng 23,000 Pesos Mula Sa Ninang Na Hindi Nakabigay Sa Kaniya Mula Simula Noong Una

Sabi nila ang mga pangunahing responsibilidad ng mga Ninong at Ninang ay ang tumayong pangalawang magulang sa inaanak.

Ngunit sa panahon ngayon, tila hindi na ito ang nangyayari sa iilan. Nakagawian na ng mga Pinoy na tuwing Pasko at kaarawan ng bata, dinadala ang mga ito sa kani-kanilang ninong at ninang para humingi ng regalo o aginaldo.

Minsan ang ibang mga magulang pa ang nagde-demand na humingi kay kumare at kumpare. Kaya dahil sa mga ganitong pangyayari tila nababago ang totoong kahulugan ng pagiging isang Ninong at Ninang.

 

Mayroon namang mga ninong at ninang na  talaga ang malugod na nagbibigay. Pero mayroon din namang, ito pa ang nagsisimula ng hidwaan sa magkakaibigan at pagsosolian ng kandila.

Isa na rito ang kwento ng isang 23-year-old na dalaga na nag-viral sa Facebook, dahil sa kaniyang natanggap mula sa kaniyang Ninang. Ayon sa kaniya, siya umano ay biglang pinadalhan ng kaniyang Ninang ng Php23,000 cash bilang regalo sa mga lumipas niyang kaarawan at pasko.

Hindi naman raw inaasahan ng dalaga ang biglang pagmemessage sa kanya ng ninang. Tinanong siya nito kung natanggap na niya ang ipadala para sa kanya. Labis na nagulat ang dalaga dahil nga naman mahabang panahon na niya di nakakaharap ang ninang at hindi naman na siya nanghihingi dito dahil hindi na nga naman siya bata.

Napakaswerte naman talaga ng dalaga dahil nagkaroon siya ng instant Php23,000 galing sa kaniyang Ninang na mula pa sa ibang bansa.

Nakakatuwang isipin na s nakalipas na 23 years ay hindi nakalimot ang ninang sa kanyang inaanak. Marami naman ang mga netizens na napa-wow sa post ng dalagang ito at dahil dito mapapa sana all ka na lang talaga.

Marami ang nagkomento at nagawa pang i-Tag ang kanilang mga ninong at ninang sa post.

Nakakatuwang isipin na may mga ninang na kusang loob na nagbibigay, pero dapat din nating iconsider na hindi nila obligasyong magbigay ng pera o regalo tuwing sasapit ang Pasko at kaarawan ng ating mga anak.

97-Years Old na lolo, viral matapos makitang naghahanap sa Ukay-Ukay ng pangregalo para sa kanyang misis

Bibili lang daw nang payong ‘Magkapatid Hindi Na Binalikan ng Ina’