in , , , ,

97-Years Old na lolo, viral matapos makitang naghahanap sa Ukay-Ukay ng pangregalo para sa kanyang misis

Nang dahil sa social media, naging mas bukas ang ating mga mata sa mga kaganapan sa paligid na hindi natin madalas namamalayan.

Nagiging aware tayo sa mga real lessons in life ika nga.

Marami post ang nagsisilbing eye opener at nagpaparealize sa atin kung ano ba talaga ang pinaka importante sa buhay.

Isang viral post na naman ang nagpakita na kahit na mahirap ang buhay, hindi ito dahilan upang makalimutan na nating maging masaya, o magbigay ng kasiyahan sa ating mga mahal sa buhay.

Naantig ang puso ng mga netizens matapos makita ang nag-viral na larawan ng isang matanda na kung saan naghahalungkat ito ng mga damit sa ukay-ukay upang iregalo sa asawa.

Mabilis itong pumukaw sa atensyon ng marami, dahil sa kabila ng edad at kapansin pansin na kahinaan ay nagawa parin ni lolo na maglaan ng oras at effort para mapasaya lang ang asawa sa espesyal na araw nito.

Lubos na hinangaan ang matanda dahil kahit makikitang hirap na siya ay talaga namang todo halungkat siya sa ukay-ukay upang makapili ng babagay sa kanyang katuwang.

Ang pagkakataong ito ay ibinahagi ni Janina Ulanday sa kanyang Facebook account. Ayon sa kanya, nakita niya ang matanda na namimili ng damit, at napag alaman nga niya na ito’y pangregalo niya sa asawa.

Dahil sa mga larawang ito, naging inspirasyon ni lolo para sa marami na ang love at sweetness ay walang pinipiling edad. At ang simpleng kaligayan ay hindi nasusukat sa halaga ng bagay na kayang mong ibigay.

Ano pong masasabi niyo dito?

 

 

Ryzza Mae Dizon, ipinasilip ang marangyang pamumuhay mula sa kanyang pagsisikap sa kabila ng kabataan

Isang Dalaga Labis na Nagulat Nang Makatanggap ng 23,000 Pesos Mula Sa Ninang Na Hindi Nakabigay Sa Kaniya Mula Simula Noong Una