in ,

Ryzza Mae Dizon, ipinasilip ang marangyang pamumuhay mula sa kanyang pagsisikap sa kabila ng kabataan

Ibinahagi ng child wonders na si Ryzza Mae Dizon ang naipundar na 3 storey house sa Quezon City.

Nabili ni Ryzza katuwang ang kanyang ina ang nasabing malaking tahanan nung siya ay 9 years old pa lamang.

Naipon ang pambili mula sa kanyang napanalunan sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga! at mga kinita ng child star sa kanyang mga showbiz projects.

Sa kanyang Youtube channel, winelcome njg ngayo’y 16 yrs old nang child star ang kanyang mga fans.

Kaugnay din nito, ibinahagi din ni Ryzza Mae kung paano naapektuhan ng pandemya ang kanilang business na internet cafe.

Ipinapakita niya ang kanilang mag equipment na naistock na lamang sa garahe. Inamin din ni Ryzza na kailangan nilang isara ito pansamantalang dahil sa mga quarantine na protocols ngayon na umiiral sa bansa.

Nag house tour din si Ryzza Mae sa kanilang black and white themed house.

Unang makikita ang kanilang sala, kung saan din nakadisplay ang napakaraming awards ni Ryza Mae simula pa lamang nung siya nag umpisa sa showbiz.

Kitang kita ang sophisticated dining area ng kanilang tahanan. Bukod pa dito, mayroon silang dirty kitchen upang mapanatili ang maganda at organized nilang main kitchen.

Mayroon din silang 2nd living area sa 2nd floor.

Ang child star ay mayroon ding spacious garden. Dito daw sila madalas tumatambay at kumakain ng kanyang kapatid.

Ngunit may isang parte sa kanilang tahanan na hindi kasama sa house motif nila na white and black. Ito ay ang napaka cute na pink room ni Ryzza Mae.

Matatagpuan din sa kanyang Pink Room ang isang computer set up kung saan siya nago-online class at gumagawa ng trabaho.

Bukod sa kanilang humble home, nakapag pundar narin si Ryzza ng magarang sasakyan na ginagamit niya sa trabaho.

Tunay ngang kahanga hanga itong si Ryzza Mae. Dahil talagang iniingatan nila at ipinagbubuti ang lahat ng kanyang kinikita.

Gayundin ang mga magulang niya na sinisiguro na hindi masasayang ang lahat ng pinagpapaguran ng kanilang anak.

Magandang Babae, Proud Sa Kanyang Mister na Ipakita sa Publiko

97-Years Old na lolo, viral matapos makitang naghahanap sa Ukay-Ukay ng pangregalo para sa kanyang misis