in , , ,

Bilang pagpupugay sa Father’s Day, Anak ginawan ng napakalaking portrait ang ama

Naalala niyo pa ba ang talentadong anak na gumawa ng dambuhalang portrait ng kanyang ama bilang birthday gift?

Muli tayong pinabilib na may halong kurot sa puso matapos muling gawan ng malaking portrait ang ama ngayong Father’s Day.

Napag-alaman rin na pangalang likha na niya ito na kung saan sinurpresa rin niya ang kaniyang ama noong nakaraang Pebrero araw ng mga puso. dahil sa pagmamahal nito sa kaniyang ama.

Lingid sa kaalaman ng marami,  ang kaniyang ama mismo ang nag hubog sa kaniyang talento at nag pursige sa kanya upang yakapin ang pagpipinta. Bata palamang siya ay palagi na itong naka supporta sa kaniyang hilig sa art.

Kaya naman, lahat ng kanyang obra ay espesyal niyang inaalay sa kanyang pinakamamahal na ama bilang pagpupugay.

Bukod pa rito, nakapag tapos rin si Nestor Abayon Jr. na tubong Occidental Mindoro ng kursong Marine Engineering.

Bagamat hilig talaga nito ang pagpipinta, sadyang pinursigi nito ang larangan ng sining na kung saan kumikita ito sa halagang Php23,000 sa kaniyang bawat obra.

Ang kaniyang ama na nagsilbing inpirasyon niya, kaya naman muli niya itong iginuhit upang mag bigay pugay dahil sa walang sawang pag supporta nito sa kaniyang nakahiligang propesyon.

Ang ngayon ngang father’s Day muli niyang natapos ang isang espesyal na obra para sa kanyang ama.

Maraming humahanga sa taglay na talento ni Nestor, kaya naman siguradong madaragdagan ang mga parokyanong nais rin magpagawa ng magandang obra sa mapagmahal na anak na ito.

Dahil walang pambili ng gatas, dinurog na saging ang pinapakain ng ina sa kambal na sanggol

Magandang Babae, Proud Sa Kanyang Mister na Ipakita sa Publiko