in , ,

Dahil walang pambili ng gatas, dinurog na saging ang pinapakain ng ina sa kambal na sanggol

Sabi nila, ang pagiging magulang na marahil ang pinakamahirap at hindi mapapantayang trabaho kahit kailan.

Hindi lang sa pagluwal nagbabase ang pagiging isang magulang kundi sa kaakibat na malaking responsibilidad nito.

Ang mga magulang ang humuhubog sa kanilang mga anak hanggang sa paglaki ng mga ito.

MANILA, PHILIPPINES — MAY 23, 2009 — The Naz family gathers for a meal, in the same room where everyone sleeps. With 12 million people, greater Manila is one of the most densely populated places on Earth, and about a third of its residents live in poverty. ( Rick Loomis / Los Angeles Times )

Parte rin sa malaking responsibilidad nito ang maibigay ang mga pangunahing mga pangangailangan ng ating mga anak.

Ngunit nakakalungkot na isipin na hindi lahat ng magulang ay may kakayahang ibigay ang mga pangangailangan ng mga anak. Ito dahil sa kahirapan ng buhay ng marami sa atin. Katulad nalamang ng mag-iinang ito sa Rodriguez, Rizal.

Maraming nakapansin ng post ng isang concerned citizen at dumurog sa puso ng marami matapos matunghayan ang kanilang kalagayan.

Ang mapait na kalagayan ng mag-iina ay ibinahagi ni Joy Ruth Mallari Cortes kasabay ng paghingi ng tulong para sa mga ito. Ayon kay Joy, dinurog na saging lang umano ang ipinapakain sa kambal na sanggol dahil wala raw perang pambili ng gatas ang kanilang ina.

Kwento pa nito, ang mag-iina ay kasalukuyan kinukupkop ng isa pang concerned citizen dahil binaha ang mga ito at wala silang anumang gamit na naisalba.

Kalakip din ng post ang lugar kung saan matatagpuan ang kaawa-awang mag-iina. Narito ang kanyang post:

Hindi lingid sa marami na hindi madaling magpalaki ng mga anak. Kaya ang payo ng nakararami, iwasan hanggat maari ang mag anak ng mag anak lalo na kung alam naman natin sa ating mga sarili na wala tayo gaanong kakayahan upang sila ay mabigyan ng maayos na pamumuhay.

 

 

Sa murang edad napilitan nang kumayod may maipangbili lang ng gatas ng kanyang 7months old na pamangkin

Bilang pagpupugay sa Father’s Day, Anak ginawan ng napakalaking portrait ang ama