in , ,

Sa murang edad napilitan nang kumayod may maipangbili lang ng gatas ng kanyang 7months old na pamangkin

Hindi maikakaila na sa panahon ngayon, mas lalong naghirap ang marami sa ating mga kababayan.

Marami ang nawalan ng trabaho at ang nakakalungot ay marami rin ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kumakalat na sakit.  Kaya naman doble ang diskarte ng karamihan upang maitawid lang ang pang araw-araw na pangangailangan.

Gaya na lamang ng batang ito na sa murang edad ay isinusugal ang buhay sa labas ng bahay upang maglako ng sampaguita. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na bawal lumabas ang mga bata, ngunit hindi isinantabi na niya ang peligro para sa kanyang sanggol na pamangkin.

Kailangan niyang maglako ng sampaguita para may maipambili ng gatas ng 7months old niyang pamangkin. Hindi lamang ito, karga karga rin niya ang sanggol  sa kalsada habang naglalako ng paninda.

Nagviral ang kwento ng kaawa-awang  batang, matapos ipost ng isang netizen na si Jesmar Deocampo Oftana. Ayon sa post, ang bata at ang sanggol ay natagpuan niya sa may FisherMall sa Quezon City.

Ayon sa kanyang post, nakasabay raw niya ang bata sa jeep nang siya’y pauwi na galing sa trabaho. Maliit na halaga lamang ang kanyang kanyang nakayanang iabot sa bata nung oras na iyon.

Napag-alaman rin niya na kaya ito pursigidong naglalako ay hindi lang para sa panggatas ng kanyang pamagkin ngunit para rin sa pampagamot niya dahil siya raw ay nakagat ng aso.

Lubos na naawa si Jesmar sa bata dahil ramdam niya ang bigat ng responsibiladad na mayroon siya sa kabila ng murang edad. pakiramdam.

Marami ang humanga batang bida sa ating istorya. Sa murang edad ay nagsisikap na makatulong at nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit na nahihirapan sa kanyang sitwasyon.

Nawa’y makatulong ang pagpost ni Jenmar upang marami ang makaabot ng tulong para sa dalawang bata at gayon narin sa kanilang pamilya.

Saan man magpunta, lagi niyang bitbit ang kanyang backpack, ito daw ay karugtong ng kanyang buhay

Dahil walang pambili ng gatas, dinurog na saging ang pinapakain ng ina sa kambal na sanggol