in , , ,

Saan man magpunta, lagi niyang bitbit ang kanyang backpack, ito daw ay karugtong ng kanyang buhay

Isang kwento ng lalaking patuloy pa ring lumalaban sa hamon ng buhay sa kabila ng kalagayan ang nag paantig sa puso ng marami.

Maraming netizens ang nahabag sa kalagayan niya, kaya naman ay naitampok rin kamakailan ang kanyang kwento sa KMJS. Si John Paul ay naoperahan noong 2019, kinailangan na tanggalin ang kanyang bituka.

Sa isang araw ay nangangailangan siya ng P1000 -1,500, para sa kanyang colostomy bag. Mahirap lamang ang pamilya ni John Paul, hindi nila makanayan ang bumili nito. Maliit at mabilis lang din mapuno ang totoong colostomy bag na nabibili.

Kaya naman naisipan ng kanyang kapatid na gumawa na lamang nito upang makatipid. Gumagamit siya ng DIY Colostomy Bag na gawa sa plastic na galon ng tubig at hose ng washing machine.

“Dati school bag ko lang ito. Ngayon, may nakadugtong ditong hose ng washing machine na konektado sa galon ng tubig kung saan dumidiretso ‘yung dumi ko sa katawan.”

Madalas ay pinandidirihan siya sa kanyang kalagayan, ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban sa buhay. Kumakayod at nagtatrabaho parin si John Paul, dahil siya ang bread winner sa kanilang pamilya. Siyam silang magkakapatid at siya lamang ang tanging inaasahan ng mga ito.

“Breadwinner ako sa siyam naming magkakapatid. Kaya kahit hindi ako masyadong makagalaw, sinusubukan ko pa ring makapagtrabaho para makatulong sa pamilya. Sabi ko, ‘Lord, sana ‘wag N’yo po muna akong kunin. Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko.”

Bitbit ni John Paul araw araw ang kanyang backpack na pinaglalagyan ng DIY colosotmy bag. At ang tanging hiling lamang niya ay huwag muna sana siya kunin ng Panginoon dahil marami pa siyang pangarap na nais matupad para sa kanyang pamilya.

Marami naman ang naantig sa istorya ni John Paul at umabot na sa higit 360 reacts, 13k comments at 22k shares ang istorya nito na ibinahagi sa Facebook page ng Kapus0 Mo, Jessica Sojo. Isa na rito ang Kapuso actress na si Gabby Garcia, at nangakong tutulong upang maoperahan muli si JP.

Nawa sa pamamagitan ng pagkalat ng kanyang kwento ay may mag-abot ng tulong sa kanya.

Nakakainspire na Kwento ni Mamang Janitor na Ngayon ay Isa Nang Abogado

Sa murang edad napilitan nang kumayod may maipangbili lang ng gatas ng kanyang 7months old na pamangkin