in , ,

Nakakainspire na Kwento ni Mamang Janitor na Ngayon ay Isa Nang Abogado

Noong 2016, nakilala ang isang former comelec janitor na si Ramil Comendador matapos nitong makamit ang pangarap na maging isang lawyer ng dahil sa kanyang kasipagan para maabot ang mga ito.

Si Ramil ay nagtrabaho bilang isang janitor sa Malabon Commision of Elections, nag pursigi si Ramil sa pagtatrabaho para maabot ang kanyang pangarap at makilala bilang isang abogado.

Sinabi nitong pangarap nyang maging isang abogado ngunit ng dahil sa kahirapan ng buhay hindi nya matustusan ang pangangailangan sa pag aaral.

Kasabay pa ng pangangailangan sa pagaaral si Ramil ay may binubuhay ng asawa at dalawang anak sa pag tatrabaho bilang isang janitor, pahayag din ni Ramil kumuha sya ng kursong law sa Unibersidad ng Manila.

Habang si Ramil ay nagtatrabaho at nag aaral sa isang law school ang kanyang pamilya naman ay nasa probinsya ng Bicol.

Pagkatapos ng paghihirap ni Ramil sa pagtatrabaho nakapasa ito sa Philippine Bar Exm noon 2016, binanggit pa nito na may isa pa syang pangarap na nais makamit ay yung makita mula ang kanyang ama, dahil noon pa man hindi nya pa ito nasisilayan at gusto niya itong makita muli at maging proud sa kanyang kasipagan para maging isang legal na abogado.

Isa sa mga interview kay Ramil sinabi nito sa mga kapwa Pilipino na hindi rason ang kahirapan para abutin ang mga pangarap, kailangan lang ng tiwala sa diyos at sa sarili kasabay ang pagsisikap sa buhay.

“Gusto ko lang pong sabihin sa kanila na kaya po nating putulin ang cycle ng kahirapan, magsumikap lang. Huwag isiping mahirap, sige lang at kumapit sa panginoon.” .sinabi ni Ramil.

“Anak, sabi ko magpray ka lang kay Jesus, ibibigay niya lahat. Maraming salamat anak. Bigyan ko muna ng time anak ko, miss na miss ko na sila, nasa Bicol sila.” dagdag pa nito.

Nag iwan din ng mensahe si Ramil sa kanyang ama “Sana po magkita na tayo”.

 

Puno ng pasasalamat at pag bati kay Ramil ang Comelec na kung saan siya nag trabaho bilang isang janitor ng dahil sa kasipagan at kapursigihan sa buhay nakamit na ni Ramil ang pangarap na maging isang abogado.

Isang bata na nag-iipon para sa kaniyang kinabukasan sa kabila ng napakamura edad, nagbigay inspirasyon sa marami

Saan man magpunta, lagi niyang bitbit ang kanyang backpack, ito daw ay karugtong ng kanyang buhay