in , , ,

Isang bata na nag-iipon para sa kaniyang kinabukasan sa kabila ng napakamura edad, nagbigay inspirasyon sa marami

“Kapag may isinuksok, tiyak may mabubunot.”

Isang kasabihang lubos na nangibabaw ngayong panahon ng pandemya. Agree ka ba dito?

Lahat tayo ay labis na naapektuhan ng pandemya ngayon. Hindi natin inaasahan ang biglang pagbulusok ng ekonomiya dahil sa pandemya.

Maituturing na swerte ang mga taong noon pa man ay nagiipon na. Dahil kahit papaano ay nairaraos nila ang pang araw araw sa kabila ng hirap ngayon. Kung tutuusin hindi ito matatawag na swerte, kundi matalinong desisyon sa buhay.

Kaya naman ngayon, naging priority na para sa maraming Pilipino ang pagiipon kahit paunti-unti.

Pero lubos na hinangaan sa social media ang isang batang paslit na nagagawang mag-ipon para sa kanyang kinabukasan sa kabila ng murang edad nito.

Ibinahagi ni Alyssa Mary Tanjay Tumapon ang nakakainspire na kwento ng kanyang pamangkin sa social media.  Ang batang babae na ito ay kinilalang si Althea Tumapon, 4 na taong gulang at taga Bel Is, Kapatagan Lanao Del Norte.

Ayon kay Alyssa, halos maiyak daw siya sa ginawang pag-iipon ng kaniyang pamangkin. Napag-alaman na parehong may kapansanan ang mga magulang ni Althea. Kaya naman labis na nakakabilib ang ginagawa nitong pag-iipon nang walang nagtuturo sa kanya.

Ibinahagi din ni Alyssa ang naging pag-uusap nila ng kaniyang pamangkin na si Althea.

Tinanong niya ang pamangkin kung bakit ito maraming pera. Namangha siya sa sagot sa kaniya ng bata. Ang sabi sa kaniya ni Althea, ito daw ay kaniyang inipon na pera para raw sa kaniyang pag-aaral. Hindi lubos maisip ni Alyssa kung paano nakaipon ang isang musmos na gaya ni Althea ng marami-raming pera.

Ang mga ito daw ay galing sa mga ibinibigay na pera ng kaniyang Lola, Lolo, Tita at mismong mga ibinibigay sa kaniya ng kaniyang Tita Alyssa.

Napagtanto ni Althea na hindi pala binibili ng pagkain ng pamangkin ang mga ibinibigay sa kaniya, bagkus ay inilalagay niya agad ito sa kaniyang alkansiya. Naantig ang puso ni Alyssa dahil sa ginawang pag-iipon ng kaniyang pamangkin.

Dahil sa murang edad ay naisip na niyang tulungan ang mga magulang na may kapansanan sa pamamagitan ng pag-iipon.

Napakaswerte ng kaniyang mga magulang dahil si Althea ang nagsisilbing pandinig nila sa kung ano ang nangayayari sa kanilang paligid. Nawa’y maging iIsang magandang ehemplo si Althea sa mga kabataan ngayon.

Imbes Na Magalit Ay Natawa Pa Ang Amo Ng Isang Cute Na Aso Matapos Gawin Ang Bagay Na Ito

Nakakainspire na Kwento ni Mamang Janitor na Ngayon ay Isa Nang Abogado