in , ,

Imbes Na Magalit Ay Natawa Pa Ang Amo Ng Isang Cute Na Aso Matapos Gawin Ang Bagay Na Ito

Hindi maikakaila ang ang sarap sa pakiramdam na idinudulot ng pagkakaroon ng pet.

Isa ang mga aso ang karaniwang mayroon ang mga pamilya saan man sulok ng mundo. Itinuturing din silang man’s best friend dahil sa taglay nilang kalambingan at loyalty.

Bagamat may mga likas na makukulit, mayrron din silang kaaibang karisma na nagpapasaya sa atin.

Gaya na lang isang napaka cute na asong ito na ibinahagi ng isang netizen ang nakakawindang na kakulitan. Kinaaliwan ito ng marami.

Ang netizen na si Eunice ang nagmamay-ari ng cute na asong ito na may halong Shih Tzu, Poodle, at Chihuahua breed. Bukod sa pagiging malambing ang kanyang alaga ay makulit at mahilig itong maglaro gaya ng iba.

Kwento ni Eunice, isang araw nung pumasok siya sa trabaho ay naiwan ang alagang aso na si Maggie sa bahay kasama ang kanyang tatay.

Noong hapon ay naisipan ng tatay na umidlip muna sa sala at saka tinanggal ang kanyang pustiso. Binalot niya ito sa tissue saka inilapag sa dulo ng sofa bago kampanteng natulog.

Nawala naman sa isip niya na andoon din ang kanilang asong makulit.

Nang ito’y magising, nagtaka ang tatay dahil bigla na lamang nawala na ang kanyang pustiso sa lugar kung saan niya ito inilapag. Una niya agad naisip ang kanilang aso na si Maggie. Baka natangay ito ng makulit na aso habang siya ay natutulog.

Dali-dali niyang hinanap ang makulit na aso at natagpuan niya itong tila nagtatago sa ilalim ng mesa. Nang makita niya ang mukha nito ay imbes na magalit ay natawa pa siya dahil nasuot sakto sa bibig ng aso ang hinahanap na pustiso.

Dahil sa kacute-an, kinuhanan muna niya ito ng litrato bago tanggalin ang pustiso sa bibig ni Maggie.

At nang umuwi si Eunice ay ipinakita sa kanya ang picture ng kanilang makulit na asong si Maggie at tawang tawa sila sa nangyari.

Hindi naman nasira ang pustiso ni tatay at hindi naman nasaktan ang aso ngunit sigurado naman na hindi na ito muling maisusuot at magpapagawa na lamang ng panibago.

Binigyan niya ng trabaho ang palaboy na ito sa kalye, di niya inaasahan na ito ang igaganti nito sa kagandahan loob na ipinakita niya

Isang bata na nag-iipon para sa kaniyang kinabukasan sa kabila ng napakamura edad, nagbigay inspirasyon sa marami