in , ,

Among may kapansanan, matiyagang itinutulak at hindi iniiwan ng alagang aso

” A man’s best friend” kung maituturing and ating mga alagang also, naniniwala ba kayo dito?

Para sa mga furparents, o taong nag aalaga ng aso, hindi mapapantayan ang loyalty at pagmamahal ng ating alaga nino man. May kakaibang connection ang isang hayup sa tao lalo na kung napamahal na ito sa kanila.

Karaniwan na sa isang tipikal na tahanan nating mga Pinoy ang pagkakaroon ng alagang aso. Mahirap man o mayaman, itinuturing na natin silang parte ng pamilya. Sa kabila ng pagaalaga natin sa kanila, maituturing narin natin silang bantay ng ating mga tahanan. Nagsisilbi narin silang katuwang at alalay para sa ilan.

Gaya na lang ng lalaking may kapansanan na tampok sa isang Facebook post na mabilis na nag viral.

Isang lalaking nakaupo sa kanyang wheelchair ang nakitang tulak tulak ng kanyang alagang aso. sa gitna ng kalsada habang tirik na tirik ang araw. Bukod pa rito, hindi rin siya iniwan ng alaga saan man sila magpunta.

Ang nagviral na larawan ay mula sa Tagum City at pinost ng isang nagngangalang Krizzia Aurelio ya mabilis na umantig sa puso ng maraming netizens.

Bagamat matagal na ang nagviral na post, hindi naman maikakaila na hanggang ngayon ay patuloy parin itong kumakalat sa social media dahil sa napakagandang mensaheng nakabalot sa mga larawang ito.

Nakakamangha at tunay na nakakaantig ang mga larawan. Nakakalungkot lang isipin na may ibang tao na walang awa silang sinasaktan at napapabayaan lang. Sa kabila ng malaking pagmamahal nila sa atin.

Tanging mga totoong dog lovers lang ang makaka appreciate ng larawan ito. Patunay rito ang mga magagandang comments ng ilan.

Ano pong masasabi niyo dito?

 

 

Isang estudyanteng wala nang makain, humingi ng saklolo sa kanyang guro

Binigyan niya ng trabaho ang palaboy na ito sa kalye, di niya inaasahan na ito ang igaganti nito sa kagandahan loob na ipinakita niya