in , ,

Isang estudyanteng wala nang makain, humingi ng saklolo sa kanyang guro

Kung ikaw ay nakakakain 3 beses isang araw, sa kabila ng maraming pagsubok at kahirapan, napaka swerte mo parin!

Lahat man ng tao may kani kanilang suliranin at pagsubok, hindi naman lahat ay kagaya mo na nakakakain parin ng maayos.

Isang viral post sa Facebook ang magpapaliwanag na hindi tayo dapat magreklamo sa buhay, bagkus ay yakapin at magpasalamat ng lubos sa mga biyayang natatanggap natin araw araw.

Isang post mula sa isang guro, ang nagpaantig sa puso ng mga netizens kung saan ibinahagi nito ang paghingi ng tulong ng isa sa kanyang mga magaaral.

Sa post ni Ethan Andrew Calla, ikinuwento niya ang nasabing magaaral na naglakas-loob humingi ng tulong sa kanya dahil wala na itong maipambili ng pagkain para sa pamilya.

Napag-alaman na nagtatrabaho ang estudyante ngunit wala na raw natira sa kanyang sweldo. Kung kaya’t wala na ring natirang pambili ng pagkain para sa kanila ng kapatid at ama na mahina na rin ang katawan.

Ayon pa sa kanya, wala na ring trabaho ang ama kung kaya’t namamasukan na lang ito ng part-time job na wala rin namang kasiguraduhan ang kita at di sapat para sa kanila.

Lubos na naawa ang guro sa kanyang masipag na magaaral, kaya’t di siya nag alinlangan na ipamili na lang ng groceries ang estudyante upang may maiuwi ito para sa pamilya.

Nagkita sila at doon niya nga iniabot ang maliit na tulong para dito. Labis naman ang pasasalamat ng estudyante sa malasakit ng kanyang guro.

Sa kanyang post, sinabi ni Sir Ethan na lumalambot ang puso niya sa mga ganitong sitwasyon kung kaya’t ginagawan niya ng paraan na makatulong siya kahit paano.

“Everytime na nakakatanggap ako ng msg from my students like this, sobrang lumalambot ang puso ko. Yes, hindi natin sila obligasyon and they’re not requiring us to help them all the time, pero there are instances na talagang lalapitan ka nila kasi alam nilang matutulungan mo sila. And without any hesitations, talagang pinapaabot ko kung ano man ang makakaya ko.

Aniya, mapalad siya sa kalagayan niya sa buhay na nakakaraos naman sa araw-araw. Nilinaw din niya ito pinost upang magpasikat. Bagkus, nais lamang niya na maging aware ang mga makakabasa sa totoong sitwasyon ng iba.

“I’m not posting this for fame or what, I’m posting this to raise awareness especially sa mga kapwa ko guro and also sa ibang tao na we can extend our hands/help for them. We are living in one sky, so please share your blessings.“

At kahit papaano ay maging bukas ang marami sa pagshare ng kanilang blessings kahit sa simpleng paraan.

“Remember, no one is useless in this world who lightens the burdens of another, there is no exercise better for the heart than reaching down and lifting people up. When we give cheerfully and accept gratefully, everyone is blessed.“

Nawa’y maging daan ang post ng gurong ito, upang sa gayun ay maibsan kahit papaano ang hirap ng iba sa simpleng pagtulong ng mga taong medyo nakakaangat angat sa buhay.

Sharing is caring!

Matandang nagtitinda ng gulay sa kalsada, kinahabagan nang makitang nakatulog sa pagod sa pagtitinda.

Among may kapansanan, matiyagang itinutulak at hindi iniiwan ng alagang aso