in ,

Matandang nagtitinda ng gulay sa kalsada, kinahabagan nang makitang nakatulog sa pagod sa pagtitinda.

Sa ating bansang Pilipinas, di kaila sa atin na mas marami ang hikahos sa buhay at salat sa karangyaan. 


Gayunpaman, kilala ang mga Pilipino bilang mga mamamayang matiisin at masisipag. Hindi basta umaasa lang upang mabuhay, bagkus ay nagtatrabaho at nagsasakripisyo makaraos lang sa araw araw.

Ngunit, hindi rin maikakaila na noon pa man, marami sa ating kababayan ang hanggang ngayon ay nagtatrabaho kahit na sana hindi na dapat. Gaya na nalang ng mga musmos na sa murang edad ay nakaharap na sa mabigat na trabaho.

Gayundin ang mga matatanda o senior citizen na patuloy na naghahanap buhay kahit na dapat ay nagpapahinga na lamang sila.

Kung iisipin, maswerte ang ilang senor citizen na may mga benebisyong nakukuha mula sa iba’t ibang ahensya. Ang iba naman ay mapalad dahil may pamilyang sumusuporta sa kanilang mga pangangailangan gaya ng gamot at pagkunsulta sa doktor.

Sa kabila nito, hindi naman maiiwasan ang may ilang matatanda na nakakaranas pa rin ng matinding kahiråpan sa buhay kaya pinipili pa rin nilang maghanap-buhay.

Gaya na lang ng isang lola na kamakailan ay nag viral sa social media. Narito ang isang larawan ng matandang natutulog at namamahinga habang nasa tabi ang mga panindang gulay. Nakakalungkot lang na makakita ng mga ganitong larawan.

Nakakaåwa rin ang ganitong sitwasyon dahil kailangan pa din ng lola na ito na maghanapbuhay dahil sa kakulangang pang-pinansyal sa kabila ng kanyang edad.

Hindi natukoy ang pagkakakilanlan ng matanda at ang sitwasyon nito sa kanyang pamilya. Kung meron pa ba talaga siyang kaanak na inuuwian o talagang mag-isa nalang siya sa buhay. Kahit na ganoon, isa lamang ang tunay, na siya’y nagsusumikap makabenta para kumita ng pera.

Maraming netizens ang nahabag sa sitwasyon ni lola at kahit papaano ay nagpaabot ng concern sa matanda. Sa panganib mula sa v!rus ngayon, napakadelikado para kay lola ang mamalagi sa kalsada.

Sa pand3myang kinahaharap natin ngayon kasabay pa ng krisis sa bansa ay mahiråp nang umusad lalo na kung nasa pinakailalim ka dahil ang mahihiråp noon ay mas lalong naghihiråp ngayon. Sa ating mahal na gobyerno, sana ay mabigyang pansin ang mga senior citizen gaya ni lola.

Para sa ating mga mambabasa, nawa’y maabutan at matulungan natin kahit papaano ang mga senior citizen na makikita natin sa daan na nagtitinda. Sa simpleng pagtangkilik at pagbili natin sa kanilang tinda, siguradong malaking tulong na ito upang mairaos nila ang kanilang pang araw-araw.

 

Isang Vendor Nagsauli pa din ng Napulot na Wallet kahit na Hirap Ngayon Panahon

Isang estudyanteng wala nang makain, humingi ng saklolo sa kanyang guro