in , ,

Isang Vendor Nagsauli pa din ng Napulot na Wallet kahit na Hirap Ngayon Panahon

Nag viral sa social media ang ginawang katubihan ng isang matandang vendor na si Jojo Tiamzon na kung saan ay ibinalik niya ang napulot na wallet sa may ari.

Pahayag ni Angelika dela Cruz sa kanyang Facebook post ang vendor na si Mang Jojo ay nagtitinda ng donut, ice cream at ibang pang mga pang miryenda.

Dagdag pa nito sa post habang nagtitinda si Mang Jojo ay nakita nito ang walley na may lamang P10,000 at iilang mga importanteng ID ng may ari.

Dahil sa kabutihan ng loob hindi ito nag dalawang isip na pumunta sa malapit na barangay upang doon isuli ang napulot niyang pitaka.

Sa pag suli ni Mang Jojo ng pitaka sa barangay agad din na contact ang mayari ng wallet nakilala ang may ari na si Jose Pacho.

Laking pasasalamat ni Jose kay Manong Jojo dahil sa kabutihan ng loob naisuli ang pitaka at mga importanteng ID nito.

Kwento pa nga ng isang netizen na suki ni Mang Jojo, pahayag nito na sadyang mabait at masipag talaga si Mang Jojo dagdag pa ito na sana tulungan si Mang Jojo dahil ito ay may edad na din.

“Grabeng sipag ‘yan ni tatay. Ice cream, donut, atbp, kahit ano tinitinda niyan ni tatay. Sana pag nakita ninyo siya kahit bumili na lng kayo. Parang tulong na rin kaysa magbigay kayo sa puro nanghihingi lang. Salute kay tatay na matapat na masipag pa.” pahayag ni Bea Santos.

Ganun pa man inihambing ng isang netizen ang vendor na si Mang Jojo sa mga taong nakatanggap ng ayuda pero nagrereklamo pa din.

“Salute po. Naghahari pa rin ang kabutihan. Mabuti pa si tatay kung iisipin puwede niyang pag interesan ito dahil sa dinaranas natin. Pero mas nanaig ang kabutihan niya hindi gaya ng iba. Binibigyan na ng ayuda, dami pang reklamo. Ang ibang nabigyan ng pera ng government, ibinibili pa ng mga bisyo nila. Hay! Purihin ka lalo ng ating Panginoong Hesus sa kabutihang iyong ginawa. God bless you po. God always guide you po, tatay.” pahayag naman ni Ma Teresa D Marcelo.

Basahin ang buong post ni Angelika:

“Sa panahon na naghihir4p ang mga tao at naghahanap ng pagkakakitaan, Flex ko lang po ang napaka HONEST na si Sir JOJO TIAMZON nakapulot po siya ng wallet na na naglalaman ng 10,000 pesos .. anong ginawa nya? Dinala nya sa barangay at sinoli niya sa may ari na si JOSE PACHO.. Sir saludo po ako sa inyo sana po marami pang tao ang maging katulad ninyo .. Salamat din sa aming volunteer na si Joseph Abiado na tumulong sa kanila”

Nakakatuwang isipin na kahit sa simpleng pamumuhay ni Mang Jojo lalo na’t sa nararanasang kagipitan sa gitna ng enhance comuunity quarantine dulo ng pandemic C0vid-19 ay naisipan nito pairalin ang kabutihan at bukal sa pusong pagsuli ng napulot na pitaka na kung tutuusin sa lamang pera ng pitaka ay malaking tulong na sa kaniya nito.

Patunay lamang ito na kahit sa kahirapan ay may matitira pa ding kabutihan ang tao na hindi dahilan ang kahirapan upang manglamang ng kapwa tao.

Tatay Na Ginawan ng Maliit Na Swimming Pool Ang Mga Anak, Nakatanggap Ng Inflatable Swimming Pool

Matandang nagtitinda ng gulay sa kalsada, kinahabagan nang makitang nakatulog sa pagod sa pagtitinda.