in , ,

Tatay Na Ginawan ng Maliit Na Swimming Pool Ang Mga Anak, Nakatanggap Ng Inflatable Swimming Pool

Ang ama ng tahanan ang karaniwang sinasabing provider o haligi ng tahanan. Sa tipikal na pamilyang Pinoy, ang mga tatay ang kadalasang nagpoprovide para sa pamilya.

Ngunit papaano kung kapos ang pamilya at walang kakayahan ang ama na ibigay ang gusto ng mga anak? Ang siste, gagawa ang ama ng paraan sa abot ng kanyang makakaya upang mapasaya ang pamilya.

Gaya na lang ng isang tatay na ginawan ng maliit na swimming pool ang kanyang mga anak gamit ang puno ng saging at trapal.

Siya si Micahel King de Leon na nagmula sa Naic, Cavite. Nag viral ang kanyang post noong April 30 nang mag upload siya ng kanyang larawan kasama ang dalawang anak na tuwang tuwa na naliligo sa ginawa niyang maliit na pool.

Marami ang humanga sa kanya dahil bakas sakanilang mag-aama na masaya na sila sa simpleng bagay.

Agad itong nag viral sa Facebook at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens. Dahil sa post na ito, namulat ang marami sa magandang halimbawa ng pagiging isang ama.

Makalipas ang ilang araw, noong May 2, nag post ulit si Michael dahil may nag bigay sakanila ng inflatable pool.

Makikita sa larawan na sobraa ng saya ng mga bata sa kanilang mas malaki at maayos na pool.

Marami naman ang natuwa sa kanilang istorya at laki din ng pasasalamat ni Michael sa mga nag bigay sa kanilang pamilya lalo sa kanyang mga anak.

Magpapatunay lamang ito, na lahat ay gagawin ng isang magulang maibigay lang ang kaligayahan ng kanyang mga anak sa kahit na maliit na paraan lamang.

Nurse, matiyagang naglalakad pagtapos ng duty para mabigyan ng pagkain ang mga kapos palad na madadaanan

Isang Vendor Nagsauli pa din ng Napulot na Wallet kahit na Hirap Ngayon Panahon