in , ,

Nurse, matiyagang naglalakad pagtapos ng duty para mabigyan ng pagkain ang mga kapos palad na madadaanan

Sa panahon ngayon, hanggang saan ang kaya mong itulong sa kapwa?

Sa pinagdaraanan ng buong mundo ngayon dahil sa pandemya, hindi maikakaila na maraming tao ang nakakaranas ngayon ng hirap.

Lalo na ang mga nakatira sa mahihirap na bansa o ang tinatawag na third world country.

Isa na ang bansang Pilipinas sa mga lubos na bumagsak dahil sa pandemya.

Kaya naman sobrang nakakainspire makakita sa social media ng mga taong buong pusong tumutulong sa kapwa sa kabila ng lahat.

Gaya na lang ng isang nurse frontliner, na di alintana ang pagod sa trabaho at matiyagang naglalakad pauwi mula sa duty para lamang maipamahagi ang kaunti niyang tulong para sa mga kapos palad.

Proud na ibinahagi ni Hafiz Marohombsar sa social media kung gaano siya pinahanga ng isa sa kanyang kasamahan sa trabaho. Natuklasan nga niya na tuwing ito pala ay umuwi pagkatapos ng duty ay nagagawa pa nitong tumulong sa mga pulubi na kawawang naninirahan sa tabi ng kalsada.

Ayon sa kanyang post, mayroong pagkakataon na sabay silang umuwi ng katrabahong nurse, ngunit naiwan nga sila ng free shuttle kaya naman niyaya siya nito na maglakad na lamang pauwi. Pumayag naman siya sa naging alok nito.

Sa kanilang paglalakad, dumaan sila sa 7/11 at bumili nga ang kasamahan niyang nurse ng mga pagkain. Nang usisain niya kung bakit tmedyo marami ang binili nito, ay sinagot naman siya nito na ipamimigay niya ang mga pagkain sa mga pulubi o homeless na kanilang madaraanan.

Nang malaman ang totoong pakay nito, nais ni Hafiz na makishare at humati sa lahat ng nabili bilang tulong narin sa good deed nito. Ngunit hindi naman na pumayag ang kasamahang nurse dahil ayon dito ay sapat na ang pagtulong ni Hafiz sa pagbitbit ang kanyang mga pinamili at pagsama niya rito sa paglalakad pauwi.

Nang sila nga ay namamahagi na ng kanilang napamili sa mga nadaraanan sa kalsada, kinulang pa nga ang kanilang mga dala nagkulang pa dahil sa talaga namang maraming mga pulubi ang nasa kalsada ay naninirahan. Kaya naman walang pag aalinlangan ang mga nurse na mamili ulit para mas marami pa silang maabutan.

Ibinahagi naman ng mabait na nurse ang dahilan kung bakit niya itong naisipang gawin.

Ayon sa butihinhg nurse, tatlong beses na siyag naglalakad pauwi at napansin niya ang napakaraming homeless na tanging sa kalsada na lamang natutulog. Tila umano kinurot ang kanyang puso sa mga nasasaksihan, lalo na sa mga matatanda na kanyang nakikita.

Inalala niya rin sa sa sitwasyon ngayon. Paano ba namumuhay ang mga ito? May kinakain ba sila?

Dito siya nagsimulang magdesisyon na sa tuwing maglalakad siya ay magbibigay siya kahit papaano ng makakain ng mga kaawa awang kababayan. Kahit sa maliit na pagtulong niya ay maibsan ang nararamdamang gutom ng mga ito.

Isang inspirasyon nga naman ang ginawang ito ng nurse, dahil sa kabila ng pagod sa mahabang oras na duty ay hindi niya ito ininda at mas pinili nga ang maglakad pauwi upang makapag abot ng tulong sa mga taong nadaraanan.

Isang patunay sa quote na nilakip ni Hafiz sa kanyang post.

“Humanity does really exist. A simple gesture can define it.”

Tunay ngang, malaki ang inspirasyon ang mga kagaya ng mabait na nurse. Nakakapag bigay ng pag-asa para sa lahat, na nananatiling buhay ang malasakit ng bawat isa sa panahon ng pandemya.

Isang ina, naging welder, clown, trike drive, pagsesemento, maitaguyod lang ang mga anak at mapagamot ang anak na may sakit

Tatay Na Ginawan ng Maliit Na Swimming Pool Ang Mga Anak, Nakatanggap Ng Inflatable Swimming Pool