in , ,

Isang ina, naging welder, clown, trike drive, pagsesemento, maitaguyod lang ang mga anak at mapagamot ang anak na may sakit

Ang pagiging ina na marahil ang masasabing pinakamahirap na trabaho sa buhay.

Hindi natatapos ang responsibilidad ng isang ina, habang buhay ay mananatiling ina ang isang ina.

Gaya na lang ng kwento ng isang ilaw ng tahanan na si Anna Rose Poonin. Sari-saring trabaho ang pinapasok ni Anna upang maitaguyod lamang ang  mga anak at mapagamot ang bunsong may malalang sakit sa dugo.

Mula sa pagiging clown sa mga birthday party, si Anna rose ngayon ay namamasukang welder at trycicle driver. kung minsan naman ay nag sesemento at pag pipintura ang kanyang trabaho nito.

Maging ang mga trabahong panlalaki ay nagawa narin niyang pasukin. Kahit na mahirap, lahat ay kakayanin ni Anna mabuhay lamang ang mga anak.

“Mahirap maging ina… Pero kapag nakikita mo ang mga anak mo, walang mahirap.”

Hindi naging hadlang ang bigat ng trabaho para sa kanya. Ang tanging lakas ni Anna ay makitang maayos na nabubuhay ang kanyang mga anak.

Tunay ngang walang makakapantay sa sakrispisyo ng isang ina. Ang pinakadakilang trabaho sa ating buhay.

Panoorin ang kanyang kwento:

Matapos Magdonate ng Kamote sa Isang Community Pantry, Batang Mangyan, binigyan ng full scholarship

Nurse, matiyagang naglalakad pagtapos ng duty para mabigyan ng pagkain ang mga kapos palad na madadaanan