in , ,

Matapos Magdonate ng Kamote sa Isang Community Pantry, Batang Mangyan, binigyan ng full scholarship

“Kumuha ng naayon sa pangangailangan, magbigay ng base sa kakayahan.”

Ang mga katagang naging inspirasyon ng marami at naging simula ng nakakantig na pagtutulungan sa mga komunidad sa paraang Community Pantry.

Maraming, kwentong community pantry ang nagpa antig sa mga netizens, ang ilan naman ay nagdulot ng sakit ng ulo para sa iba.

Pero isang pangyayari sa isang community pantry ang nagpamulat sa mata ng marami.

Hinangaan ng mga netizens ang isang 9-anyos na bata matapos na magbahagi ng kalahating sako ng kamote sa community pantry sa kanilang lugar.

Nakilala ang bata bilang si Ornelo na isang batang mangyan na nakatira sa Sitio Siapo, Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro.

Isang nagngangalang John Christoper Lara ang ang upload ng mga larawan ni Ornelo sa social media. Ayon sa kanya, labis siyang na touch sa ginawang ito ng batang Mangyan.

“Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong.” 

Ang post niyang ito ay mabilis na nagviral sa Facebook. Ayon pa sa kanya, hindi naman niya inasahan na dahil sa ginawa nila community pantry, maraming buhay ang mababago. Hindi lamang ang mga taong natulungan ng kanilang pantry, maging ang mga taong bukas pusong nagdonate dito. Tulad na lamang ni Ornelo o Don Don Sinagmayon (totoo niyang pangalan).

Dahil sa magandang ginawa ng batang Mangyan, pinuntahan ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan executive committee si Ornelo sa kanilang lugar upang ipagbigay alam ang magandang balita. Bibigyan nila ng full-scholarship si Ornelo mula sa pagka-elementarya hanggang makatapos ito ng kolehiyo.

“Muli namin silang pinuntahan para ipaalam na ang buong Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan executive committee ay nagpledge na ng full scholarship mula elementary hanggang college para sa kanya.”

Hindi rin naman ito inaasahan ni Ornelo dahil gusto lamang din niyang tumulong sa paraang kaya niya. Labis ang saya ng bata dahil matutupad niya ang kanyang pangarap na maging ‘sir’ o guro.

Hindi rin dito natapos ang lahat, dahil matapos matanggap ang magandang balita, muling nag donate ang pamilya ni Ornelo sa kanilang community pantry. Pahayag ni John Christopher,

“Nakakatuwa pa dahil muli silang nagbigay ng mga kamote para sa Occidental Mindoro Community Pantry na Ngayon ay On Wheels na. Nalaman namin sa nanay niyang si ate Marialyn na galing daw ito sa kanilang taniman at hinanda daw talaga nila ito para ibigay.” 

Ang kabutihang loob ni Ornelo at ng kanyang pamilya ay pinatotohanan din ng kanilang kapitbahay dahil kahit sila ay binibigyan nito ng kamote o kung minsan pa ay isda nahuhuli nilang isda.

Dalangin naman ni John Christoper na sa na ay magbunga pa ng biyaya ang kanilang community pantry. “Sana po ay magbunga pa ng mas maraming biyaya ang mga proyektong katulad ng aming community pantry hindi lang dito kun’di sa buong bansa.”

Sa realidad ng buhay, madalas na kung sino pa ang walang-wala ay sila pa ang bukas-palad na tumulong sa kanilang kapwa. Nakakatuwa na sa murang edad ni Ornelo ay may angking kabutihan at malaking puso na ito sa kapwa. At kita naman na nakuha niya ang magandang aral mula sa kanyang mga magulang.

Nawa’y tularan si Ornelo at kanyang pamilya ng karamihan. Walang mahirap na suliranin kung lahat ay magtutulungan lalo na sa panahon ng pandemya.

Meet the Rare Dog “Egyptian God Statue Look Alike?”

Isang ina, naging welder, clown, trike drive, pagsesemento, maitaguyod lang ang mga anak at mapagamot ang anak na may sakit