in

Kilalanin Ang Mga Matatagumpay na Anak ni Henyo Master Joey de Leon

Kilala si Joey de Leon sa pagiging komedyante at aktor mula nang pumasok siya sa showbiz.

Tulad ng alam ng kanyang mga tagahanga, si Joey ay isang batikan pagdating sa larangan komedya. Lalo na ng mabuo ang ultimate comedy trio kabilang sina Tito at Vic Sotto.

Magpasahanggang ngayon, napapanood parin siya sa longest running noontime show na Eat Bulaga sa Kapuso Network.

Ngunit bago pa man mamayagpag ang pangalan ni Joey sa telebisyon, ay nagtapos muna siya ng  kolehiyo sa National University sa kurso ng Architecture.

Naging DJ din siya sa isang sa radio station noong nagsisimula pa lang siya ng kanyang career.

Sinimulan ni Joey ang kanyang karera noong 1960s bilang isang radio DJ sa 12 mga istasyon . Pito dito ay sa istasyon ng ABS-CBN. Ang kanyang kanyang first appearance sa TV ay sa IBC 13 sa programang OK Lang.

Tungkol naman sa kanyang buhay pag-ibig, ang kanyang kabiyak ay si Eileen Macapagal-de Leon Pinagpala sila na magkaroon ng 5 anak.

Ngayon, kilalanin natin ang 5 matagumpay na anak ni Joey de Leon.

Cheene de Leon

Si Cheene ay ang panganay babae ni Joey sa dating karelasyon na si Daria Ramirez na isa rin artista. Pinasok din ni Cheene ang showbiz pero kalaunan ay nagdesisyong mamuhay ng pribado kasama ang sariling pamilya at magfocus sa kanilang business.

 

Kempee de Leon

Si Kempee ay ang pangalawang anak ni Joey kay Daria. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama. Gumagawa ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng showbiz. Sinimulan niya ang kanyang karera noong 90s.

 

Jocas de Leon

Si Jocas ay nag-iisang anak na babae ng aktor sa kanyang pangalawang asawa na si Eileen. Bukod sa mala artista ring kagandahan, nagtapos din siya ng Bachelor’s degree sa Economics sa Fordham University sa New York.

Samantala, si Joey ay may dalawa pang anak kay Eileen, sina Jako at Jio na parehong producers.

 

Jako de Leon

Nagtapos din si Jako ng Psychology sa Fordham University sa New York. Dapat ay isang pre-med course niya ito. Pero dahil malaki ang interes ni Jako pagpoproduce ng mga video, itinuon niya ang kanyang oras sa kanyang trabaho bilang isang executive producer sa GMA News TV.

 

Jio de Leon

Siya ang bunso na anak nina Joey at Eileen. Gaya ng kanilang ibang anak, nagtapos din siya sa New York University sa kursong cinema studies. Si Jio ay kasalukuyang nagpoproduce ng mga shows sa mga local at cable television network.

 

Nagtanim siya ng 6000 puno bilang memorya ng yum4ong asawa – ang mga larawang kuha 15 taon na ang lumipas at isiniwalat ang kanyang totoong mensahe

Meet the Rare Dog “Egyptian God Statue Look Alike?”