in

Nagtanim siya ng 6000 puno bilang memorya ng yum4ong asawa – ang mga larawang kuha 15 taon na ang lumipas at isiniwalat ang kanyang totoong mensahe

Hanggang kailan mo mamahalin ang ang isang tao kahit na hindi mo na siya kasama?

Ang kamangha-manghang kwentong ito ay tiyak na magpapabago ng iyong pananaw sa totoong kahulugan ng pag-ibig.

Ang buhay ni Winston Howe ay nakatuon kay Janet.

Sa katunayan, ang mag soulmate ay parehong na love at first sight sa isa’t isa. Ang kanilang pagiibigan ang mas lalong lumalalim habang lumilipas ang panahon.

Napaka ideal ng kanilang pag-iibigan, maging ang mga tao sa kanilang komunidad ay napapaisip kung paano nila pinananatili ang kanilang magandang pagsasama.

Ang kanilang love story, gayunpaman, ay hindi rin nagtagal. Iniwan siya ni Janet dahil sa atake sa puso matapos ang 33 taon bilang mag asawa.

Matapos magpakasal noong 1962, sina Winston at Janet ay lumipat sa isang napagandang 112 ektaryang farmhouse.

Hindi nagtagal ay ipinanganak ni Janet ang kanilang anak. Sa paglipas ng panahon, ang kanilang pamilya lalong naging masaya at puno ng pagmamahalan.

Sa loob ng higit sa tatlong dekada, naging maayos ang buhay sa kanilang dream house sa Wickwar, Gloucestershire.

Ngunit bigla na lamang magbabago ang lahat.

Si Winston ay nagtanim ng 6,000 oak tree sa isang bukid malapit sa kanilang tirahan bilang tribute sa kanyang minamahal na asawa.

Nagpasya si Winston na magtayo ng isang safe at spiritual space para sa kanya at sa kanyang anak na pupuntahan sa tuwing sila ay may matinding pinagdaraanan. Sinimulan ni Winston ang pagtatanim ng mga puno – maraming mga puno.

Ngunit isang nakakamanghang bagay pala ang nakatago dito- isang heart-shaped meadow – na mas lalong nagign espesyal para sa kanyang tribute.


Sa loob ng 17 taon, ang kanyang nakamamanghang declaration of love ay inilihim sa marami. Natapos ni Winston ang kanyang layunin, ngunit ang totoong inspirasyon para sa kanyang mga pagsisikap ay nanatiling isang misteryo, itinago sa mga puno.

Kalaunan ay natagpuan ang lihim ni Winston. Isang lalaking nagngangalang Andy Collett, habang nakasakay sa kanyang hot air balloon noong 2012. Nakita niya ang napakalaking puso mula sa himpapawid.

“You can just imagine the love story. I have my own balloon and am quite a regular flyer, but this was the most amazing sight I have ever seen from the sky.”

Ang pinakadulo ng puso ni Winston Howes ay nakaturo sa childhood home ni Janet sa Wotton Hill.

Nag-install din si Winston ng mga daffodil bilang bakod sa paligid nito. Ang mga ito ay namumulaklak tuwing tagsibol.

“I thought it was a great idea — it was a flash of inspiration — and I planted several thousand oak trees. Once it was completed we put a seat in the field, overlooking the hill near where she used to live.” 

Kahit na hindi na maibabalik pa ang buhay ni Janet, mananatali kay Winston ang pagmamahal sa asawa dahil sa nilikha niyang ito para kay Janet.

“It is a lovely and lasting tribute to her which will be here for years.”

Anong masasabi niyo dito?

Kilalanin Ang Mga Matatagumpay na Anak ni Henyo Master Joey de Leon