in

Bianca Gonzales nagbigay ng reaksyon sa Unang SONA ni PBBM!

Kahapon nga ay ang kauna-unahang SONA ng bagong Presidente na si Pres. Bongbong Marcos.

Kaya naman maraming netizens at ilang kilalang personalidad sa industriya ang nagbigay ng komento patungkol sa kanyang mga sinabi sa kanyang SONA.

Kabilang na dito ang host/actress na si Ms. Bianca Gonzales-Intal.

Kilala si Bianca bilang isa sa mga supporters noon ng kalaban ni PBBM na si dating VP Leni Robredo kaya naman marami ang nagtaka sa kanyang naging komento sa SONA ni PBBM.

“That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan,” ani ni Bianca.

Sa kanyang post, makikita na para sa bayan naman ang naging komento ng host/actress at ito ay walang halong pagsip-sip.

Sa kanyang post na ito,marami din ang nag react na tila isa siyang balimbing. Kaya naman mariing pinabulaanan ng aktres ang kanyang post at sinabi na ” GOOD” ay para sa welfare ng lahat.

Hindi man nanalo ang kanyang manok na si VP Leni hanggad pa din ni Bianca ang success ng mga plano ni PBBM.

Dahil para kanya, ang tagumpay ng mga plano ni PBBM ay tagumpay din ng buong Pilipinas.

Samantala, nanindigan pa rin si Bianca bilang isa sa mga solid supporters ni VP Leni.

#NeverForget pa rin ang aktres.

‘Zoom’ and ‘Sun and Moon’ Dance Move ng Anak ni Sofia Andres na si Zoe Kinagiliwan ng Netizens!

Skusta Clee umalma sa paratang na siya ang rapper na nangungulit kay Vanessa Raval!