in

Beteranang aktres na si Cherie Gil namaalam na sa edad na 59

Isang malungkot na balita ang gumulat sa showbiz industry. Ang biglaang pamamaalam ng award-winning actress at tinaguriang  “La Primera Contravida” ng Philippine showbiz na si Cherie Gil

Ang balitang ito ay kinumpirma ni Annabelle Rama, sa pamamagitan ng pagpopost niya sa kanyang social media account.

Ani Annabelle sa kanyang Tweet ngayong gabi August 5. “CHERIE GIL JUST P4SS3D AWAY AT 5PM TODAY PLEASE PRAY FOR HER”

Sa kanyang Instagram account ay isang black photo din ang ibinahagi ni Annabelle. Saad pa nito sa kanyang caption, “R!P Cherie Gil”

Sa isang ulat ng GMA News, kinumpirma rin ang malungkot na ulat ng pamangkin ni Cherie na si Kapuso actor Sid Lucero.

Kung matatandaan, Pebrero ngayong taon ay ibinalita sa mga news websites ang pag migrate ni Cherie Gil papuntang US.

Nagpakalbo pa ang aktres at nagdesisyon na ibenta ang lahat ng ari-arian niya dito sa Pinas. Ibinahagi naman niya ang dahilan nito ng ma-featured siya sa Mega Magazine.

Aniya, “I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life. I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am”

Samantala, sa kaniyang halos limang dekadang ambag sa pelikulang Pilipino at telebisyon, naitatag ni Cherie ang pangalan bilang isa sa mga premyadang kontrabida sa Philippine entertainment.

Bumuhos naman sa social media ang iba’t-ibang pakikiramay sa pamamaalam ng aktres.

Pokwang at K Brosas naaksidente sa US!

Jeric Raval may pasab0g patungkol kay Vanessa Raval! ” Hindi ko siya anak!”