Tatlong Linggo na lang eere ang longest running teleserye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.
Trending ngayong gabi, July 22 ang “Ang Probinsyano” matapos ianunsyo ng bidang si Coco Martin.
Na huling tatlong linggo na ng action drama TV series na unang ipinalabas noong September 28, 2015.
Halos pitong taon din sinubaybayan ng mga manonood ang pakikipaglaban ni Cardo Dalisay. Hango ito sa pelikulang “Ang Probinsyano” ng nam4y4pang si Da King Fernando Poe Jr.
Sa pamamagitan ng video sa Instagram na ibinahagi ni ABS-CBN Executive Deo Endrinal. Saad ni Coco, “Mga ka-‘Probinsyano’ dumating na po ang oras. Ang programang minahal ninyo ng pitong taon ay nalalapit na po ang pagtatapos.
Malungkot man na tayo’y maghihiwalay pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman.
Nagbago man ang mundo, nandiyan pa rin kayo. Kahit naman po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo.
“Kaya kapit lang sa huling tatlong linggo. Ito po ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang pambansang pagtatapos”
View this post on Instagram
Maraming netizens naman ang nagpahayag din ng kanilang kalungkutan sa pagtatapos ng “Ang Probinsyano”
SEPANX! This has been my guilty pleasure since Sept 28, 2015. Yes, I’ve watched it althroughout its run. And I’ve never felt more anxious than this series ending. Routinary na kasi. It’s been an honor, Cardo. Give us a great ending. 😭🙏 #FPJAP7 #FPJsAngProbinsyano pic.twitter.com/NBONiheL7b
— Andrei Marasigan 🇵🇭 (@Dreifinition) July 22, 2022
Odd…I started watching the show since 7th grade, and ironic that it’s gonna end before my first year at college starts. End of Era #fpjap7 #AngProbinsyano ❤️💙 https://t.co/LKJW0lDofZ
— Evan Samuel Roldan (@evan_roldan) July 22, 2022
Bali-balita naman na papalitan na ng Darna ang timeslot ng Ang Probinsyano.