in

Alodia Gosiengfiao engaged na sa negosyanteng boyfriend na si Christopher Quimbo.

Ikakasal na ang sikat na internet personality na si Alodia Gosiengfiao sa negosyante niyang nobyo na si Christopher Quimbo.

Ngayong Sabado ng gabi, July 23, inanunsyo ni Alodia sa kanyang YouTube channel ang balitang siya ay engaged na.

Ani Alodia sa caption sa kanyang IG post, “For some, it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alodia Gosiengfiao (@alodia)

Sa naturang vlog, ay idinetalye rin ang naganap na proposal. Sa winery ng pamilya ni Christopher isinagawa ang proposal. Naroon din ang pamilya ng sikat na cosplayer.

“We went back to my place and played piano and I sang for her. I think at that point I knew that this would happen. Now she’s my fiancée. I’ll be her biggest fan. I’ll treasure her,” pagbabalik tanaw ni Christopher.

“I couldn’t imagine a life na without him. Everything’s just falling into place, na parang hindi siya pilit, hindi siya ni-ru-rush or something. Parang napakaganda lang. I guess it’s very pure. I couldn’t believe someone like him existed.

Parang sobrang perfect fit I guess. Parang naintindihan niya ako, naintindihan ko siya so I guess it’s nice. Maganda pala yung life,” pagbabahagi naman ni Alodia.

Isinapubliko nina Alodia at Christopher ang kanilang relasyon noong April. Limang buwan matapos kumpirmahin ni Alodia ang breakup sa vlogger na si Wil Dasovich, na naging boyfriend niya sa loob ng apat na taon.

Sagutan ni Vice Ganda at Anne Curtis sa Social Media,Kinagiliwan ng mga Netizens!

Aljur Abrenica Handang Magpaka Ama sa Anak nila ni Aj Raval kung sakaling ito’y totoong nagda-dalantao!